Ewan ko ba at parang kinakabog ang dibdib ko. Di ko mapagtanto kong ito ba'y kabog talaga ng dibdib o sikmura ko lng na kumakalam na sa sobrang gutom. Pwera usog sa may sibang dyan. Laking takot ko tuwing sasakay ako sa dyip, malay ko ba ma-sibang ako. L*ntek na di ko alam ang tagalog ng terminong yan eh. Basta yun na yun. Naalala ko noon, nasa murang edad pa lamang ako. Nakaramdam ako ng sobrang sakit ng tiyan. Di lang 'yun...alam mo ba yung pakiramdam ng na-i-L? Ay sensya na naiwan yung BM. Iyon! LBM pala. Naku! Kung alam mo lang na para akong natatae na pinagpapawisan ng malamig. Hay, ayoko ng balikan pa ang mga panahong iyon...
Balik tayo sa brewed coffee ni em, bee at ess. Dahan-dahan kong tinahak ang pantry, halos katabi lang naman iyon ng aming pugad. Bitbit ang kulay puti kong mug na me kasama pang kutsara, nang aking silipin ang...teka, ano nga ba ang tawag nito? ayan o sa baba nito...

Sila ang tinatawag kong "keepsakes ni em, bee at ess". Heto na kinabog na naman ang dibdib ko ng keepsakes na ito. Siguro'y nanabik na kayong malaman kung ano nga ba ang ibig sabihin ng kabog na ito...
Halikayo at ibubulong ko sa inyo...
"Minsan isang araw, at
Ang nakita ko ay si Wala! Wala wala wala akong nakita! paksy*t!
Isang araw naman, siguro naawa si Em, Bee at Ess kasi laking gulat ko may laman na ang keepsakes ni Em, Bee at Ess...heto naman hulaan niyo?
tadaaaan....Kape! Coffee! L*ntek na...
Subukan mo ngang higupin yan ng walang asukal! gawin kong pulbos 'yan sa pagmumukha mo eh!
Ayan napaghalo ko rin ang pinakamimithi kong creamer, kape at asukal. Pagkatapos, tinulak ko yung gatilyo na kulay pink at bumuhos na ang tubig. Hinalo halo ko yung coffee with creamer ng hawak kong kutsara habang nglalakad pabalik sa aming pugad. Sa aking pag-upo parang sabik na hinigop ko ang tinimpla kong kape...
"Pweeeee!!!" napangiwi ako! Isa pa ngang paksy*t dyan!
Iyong intensyon na magpainit ng sikmura ay naging isang malameeeeg na kape! Hindi ako namali ng pagtulak ng gatilyo. Pink yun! Pero ang tanong, bakeeet malameeeg kang lint*k na kape ka!!!
Ngayon, sumagot ka! "Deal or No deal?
0 comments:
Post a Comment